Bago paman tayo nag barko ay may mga naka ungkit na sa atin ang iba’t ibang pag uugali. Nakuha natin sa ibat ibang tao o pangyayari habang tayo ay lumalaki at hindi mapipigilan na ito ay maging bahagi na ng ating pagkatao.
Ngunit pag sumampa ka ng barko dapat ikaw ay maingat sa pakikitungo mo sa iba. Kahit kakaunti lang ang tao sa barko, lahat ito ay may kanya kanyang ugaling dinadala. Tingnan natin ang mga ugaling hindi dapat mapairal sa barko:
- Tamad – Di lang sa nakakasira ito ng reputasyon, ito rin ay makasisira sa iyong future employment. Lahat ay walang may gusto nito at kung ikaw ay tamad, marami kang maririnig na reklamo o di kayay mga biro biro. Minsan, totoo yan.
- Mahilig magmagaling – kung magaling ka, ipakita mo nalang sa trabaho at wag sa salita. Maraming maiinis say o pag mga ideya o mga experiences mo lang ang iyong gusting sundin. Makinig sa lahat ng tropa at piliin ang tamang paraan sa hakbang na gagawin. Kung ikaw ay bagohan sa barko, dapat ay makinig ka sa mga itutoro sayo, keep your idea with you and learn more. Dilikado din ang masyadong may maraming alam.
- Mabagal kumilos – ikaw ay hindi akma mag marino. Wala ring may gusto nito at ito ay hindi rin makakatanggap ng magagandang feedback mula sa mga kasamahan. Dapat ay makisig at mabilis pero safe sa trabaho.
- Walang initiative – dapat ay alam mona ang gagawin mo at di na kailangan pang utusan pa. Pag ikaw ay automatic na sa mga gawain, maraming matutuwa sayo.
- Hindi mapagkakatiwalaan – dapat ay gampanan mo ang iyong trabaho ng maayos at hindi ka pabaya. Dapat ay maging maingat sa mga ipinagkakatiwala sayo.
- Maninisi – nakakasira ito ng relasyon sa mga kasamahan mo at huwag na huwag kang maninisi sa iba kung alam mo ikaw ang may kasalanan. Be accountable in everything you do. Minsan ito ay mag uugat sa awayan.
- Matigas ang ulo – ito ay hindi talaga pwede sa ibat ibang trabaho. Matutong sumunod sa mg autos at pag nagkamali ay dapat matuto sa mga ito para hindi na maulit pa.
- Reklamador – sabihin ng maayos ang punto at huwag mag reklamo ng reklamo. Kung sa tingin mo ay tama ka talaga, dumonog na sa mga persons in authority.
Ibat iba ang pananaw ng bawat tao sa barko. May mali, may tama ang importante ay marunong tayo makisama sa ating kapwa. Wag maging self centered at matutong makihalubilo sa iba dahil wala tayong ibang kasama sa laot kundi sila.