May nasakyan akong kotse sa GrabCar sa isang long weekend noong Oktobre, at tyempong ang driver ko ay isang dating seaman pala. Isang maliit na mundo nga talaga dahil sa lahat ng pweding maging driver ko ay taga barko pa. Mga usapang barko kaagad ang aming mga napag usapan hanggang sa nagkatanungan kong anong posisyon sa barko. Ako ay napaisip na baka siya ay isang mataas na opisyal dahil ang ganda ng kotse nya at baka sideline lang nya ang pag ga-Grab. Pero akoy nalungkot nang sinabin nyang ‘ultimo’ lang sya sa barko. May iba’t ibang investments na sya na kayang bumohay sa kanya at sa kanyang pamilya. Mga inspiring words at experiences ang binahagi nya sa akin tungkol sa business nya, pano siya nagsimula, nalugi at nakabangon.
Balik tayo sa ‘ultimo’ na sinabi nya. Hindi ko lubos maisip kung bakit minamaliit ng karamihan ang mga ratings pati sarili nila mismo. Sa aking paningin, lahat ng tao sa barko ay mahalaga dahil may kanya kanyang trabaho na ginagampanan. Sa aking pananaw, sa barko, ang mga tao ay nagtatrabaho bilang isang kuponan o team. Nagtutulongan at nagdadamayan sa bawat isa. Ang ranggo ay hierarchy lamang na dapat sundin dahil kailangan para sa operation ng barko. Sana’y ang mga kapatid ko sa barko na mga ratings ay hindinyo I bansag sa sarili ang pagiging ‘ultimo’.
RELATED: Gaano kahirap ang may kupal sa barko?
Lahat naman utosan lang sa barko. Pati sina Kapitan at Chief Engineer ay utosan lamang din sa opisina. Kaya lang, sila ang tinalaga ng opisina para mamahala sa barko. Ang kanilang impluwensya ay ginagamit para mapatupad ang mga nais ipatupad ng opisina sa barko. Sa layo ng agwat ng responsibilidad ng ratings at mga opisyal, sadyang di maiwasan na mabansagang ‘ultimo’ sa kanila. Sa aking pananaw ay hindi karapat dapat ituring ang sarili na ‘ultimo’ sapagkat malaki ang tungkolin na binabahagi mo sa lahat ng operation ng barko. Wala ang mga opisyal kung wala ang mga ratings. Tandaan, sa ratings lahat nagsisimula ang mga opisyal pero nakakalungkot dahil parang nakalimotan na ata nila ang kanilang pinanggalingan.
Bottomline, tayo ay pantay pantay at sa palakihan ng ipon tayo ay makakalaya sa ating paglalakbay sa gitna ng alon at unos sa pagbabarko. May mga Kapitan o Chief Engineer na ilang taon na nagbabarko ay nakadepende pa rin sa sahod sa barko. Oo malaki ang kita, pero pag nagkataon na di na makasakay, paano na? May mga ratings naman na maagang nakalaya sa pagbabarko dahil sa ibang sources ng kanilang income ay buhay na sila. Heads up at iwasan I look down ang sarili dahil ito ay hindi nakabubuti.