Tatawagan ka. Papupuntahin ka sa Maynila. May training ka. May Visa application ka o medical exam ka. Wala kang magawa. Tingin ka ng flights. Boom! Lagas ang 3k mo. Minsan may mga ganitong pangyayari talaga at some point in our career. Makakabuti kung parating handa sa mga ganitong sudden expenses. May mga kompanyang nag so-shoulder ng mga pamasahe pero bihira lang sila. Kadalasan ay the seafarer himself will shoulder all the costs.
Ang airline mo
Choose an airline which you are comfortable with. Obviously we always want that cheap price. However, this can cause you miscomfort. So piliin mo yung comportable ka sa departure at arrival time mo. Utilize their reward system (Getgo for Cebu Pacific, Mabuhay Miles for Philippine Airlines). Kung kukoha ka ng kanilang rewards program, di masasayang ang bawat sakay mo dahil may points kang ma earn every flight. This points can be redeemed to avail a free flight in the future.
RELATED: Ang ratings ay hindi ‘ultimo’ sa Barko
Transpo from airport
Pag landing mo sa airport, taxi, UBE Express o Airport Buses ang pagpipilian mo depende kung ano ang choice mo. Sa taxi kadalasan fixed rate ang ipapataw sayo pero kausapin mo yung driver na gamitin ang metro. Ang UBE Express-P150 (October 2016) ay nakapa comfortable sakyan at dadalhin ka sa Victory Liner Terminal, Pasay or SM MOA, and Buendia in Makati. HM Transport (Airport Bus) ay P20 lang pa Baclaran at Pasay-Taft Rotonda.
RELATED: Budget tips for seafarers
Tirahan mo
Kadalasang punta mo ay sa Malate o Pasay. Mariners Home (P150/night) or Starboard Inn (P200/night), etc. Ang swerte mo kong may matutuloyan kang kamag anak o kaibigan. Meron mga kompanyang may dormitory sa Manila pero bihira lang din sila. Kain at pamasahe mo ay intindihin mo rin.
Bottomline
Oo mahirap talaga buhay marino kahit sa lupa. Lalo pa at kung ang sakay mo ay delay ng delay, tandaan nalang natin na kailangan nating mag invest ng pera at oras para sa ating susunod na sakay. Maswerte yung may mga branches yung agency nila sa probinsya dahil mas makakatipid at wala masyado transaction sa Manila.
Tandaan din natin mates kung gaano kahalaga ang pagba-budget ng ating pera at paglalaan ng emergency fund. Sa mga ganitong panahon sana tayo ay may sapat pang resources at nang tayo ay di makautang. Maging thankful nalang tayo sa mga opportunity at biyaya na binigay sa atin.